MANILA, Philippines - Inilabas ang lahat ng pagsisikap, nagtulu-ngan sina Jimbo Aquino at rookie Calvin Abueva upang sorpresahin ng San Sebastian College ang reigning three-peat titlist San Beda College, 72-68 sa mahabang double overtime at makalapit sa pagsungkit ng kauna-unahang titulo makalipas ang pitong taon sa 85th NCAA basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Napigil sa single-digit na puntos sa kanilang dalawang huling kabiguan sa Red Lions, nagpaulan si Aquino ng 24 puntos kabilang na ang apat sa ikalawang overtime habang naglista naman ng 10 puntos si Abueva na pinalamutian ng season-high 23 rebounds, 5 blocks at 3 assists na naglapit sa Stags ng isang panalo tungo sa pagkuha ng unang titulo makalipas ang pitong season at ika-12th sa pangkalahatan.
Maaring tapusin ng Stags ang laban bukas ngunit tiyak na babangon naman ang Lions upang maipuwersa ang deciding Game 3 sa Huwebes.
Halos abot na ng San Sebastian ang tagumpay nang bumangon sila mula sa 12 puntos na pagkakabaon sa first half at 45-53 na pagkakalamang sa kaagahan ng ikaapat na canto.
Gamit ang matinding depensa, para supilin ang San Sebastian sa buong regulation na tinampukan ng 8-0 blitz ni Rome Dela Rosa at maitabla ang iskor sa 53-all na nagpuwersa din ng unang overtime.
Nagpakawala ng sunod-sunod na tres si Bam Bam Gamalinda sa ikalawang overtime nang manalasa ang Lions para sa 60-57 bentahe na naglaho nang magtulong sina Abueva at Ian Sangalang ng pinagsamang limang freethrows para ibigay sa Stags ang 62-60 bentahe may 20 tikada na lang.
Muli, bumangon ang San Beda nang makawala si Borgie Hermida at naitabla ang iskor para sa ikalawang extra time.
At dito nagsanib ng puwersa sina Aquino at Abueva upang tuluyang mailista ang unang panalo sa best-of-three series.
Sa juniors division, pinayuko ng San Beda ang Letran, 98-75 upang makadikit sa pagsubi ng juniors title. (Sarie Nerine Francisco)