Hi-tech gadgets gagamitin sa Timex Run
MANILA, Philippines - Iba’t ibang inobasyon ang ipapakilala ng Timex Run sa pagtakbo nito sa November 15 sa Bonifacio High Street sa Global City, Taguig kung saan gagamitin ang hi-tech finish line gadgets sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng karera.
Ito ay kinabibilangan ng ChampionChips, isang high-tech timing system para sa mabilis at tamang race results, isang detailed RunPix performance analysis na kumpleto ng graphic illustrations, at comparative results at top-notch action na kuha ng PhotoVendo.
Siniguro ng organizer ng event na hatid ng Timex na ang lahat ng partisipante ay makakakuha ng pinakamagandang package sa kanilang paglahok sa 3K, 5K, 10K at 21K races na may nakalaang cash prizes at bagong Timex watches bukod pa sa mga pabolosong regalong inilaan sa nasabng running festival.
Ang event na tinaguriang "Time is Running: The 2009 Timex Run with coach Rio and Piolo Pascual," ay inaasahang hahakot ng mga lahok kasama ang celebrity endorsers ng pangunahing watch brand sa mundo.
Ang pagpapalista at tinatanggap na sa iba’t ibang Timex shops (SM Mall of Asia, SM North Edsa, Glorieta 3, SM Megamall, and SM Southmall) Robinsons Land showrooms (Amisa showroom, Robinsons Place Manila; Grand showroom, Robinsons Galleria; Trion Towers, Fort Bonifacio Global City), at Nike Park, Bonifacio High Street.
Para sa ilang detalye maaaring kontakin si Rio de la Cruz sa 0918-9859211. Ang pagpapalista ay magtatapos sa Nov. 9.
- Latest
- Trending