^

PSN Palaro

5th win asinta ng UST vs Ateneo

-

MANILA, Philippines - Ikalimang panalo para pormal na upuan ang quarterfinals ang sasakmalin ng Univeristy of Santo Tomas sa kanilang pakikipaglaban sa Ateneo OraCare habang magdedebut naman ang San Sebastian at College of St. Benilde kontra sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena sa San Juan City.

Iginupo ang Adamson, FEU, Lyceum at UP, sasandalan ng Tigresses ang pananalasang ito na kanilang sasandalan patungo sa pang alas-4 ng hapon nilang duelo ng Lady Eagles na nagtatangkang pigilan naman ang kampanyang sweep ng UST.

Masasaksihan naman ang bakbakan ng Lady Stags at Lady Blazers na naglaban sa NCAA crown noong linggo kung saan napanatili ng San Sebastian ang korona bagamat binigyan sila ng matinding hamon ng St. Benilde.

Makakaharap ng San Sebastian, na natalo sa first confe-rence crown ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza sa UST noong June, ang inaalat pa ring UP sa alas-6 ng gabi habang magpapaluan naman ang St. Benilde at Adamson sa pambungad na salpukan sa alas-dos ng hapon.

Mapapanood naman ang mga laro sa webcast sa www.v-league.ph habang isasaere naman ng NBN-4 ang laro ng delayed telecast, simula alas-2 ng hapon bukas.

Ang tagumpay ng Ateneo ay pormal na maglalagak sa UST sa unang upuan ng quarterfinals sa torneong inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare

Kasalukuyang namamayagpag bilang scoring lider na may kabuuang 57 puntos matapos ang apat na laro, muling sasandalan ng UST si team captain Aiza Maizo kasama sina Angeli Tabaquero, Rhea Dimaculangan, Hanna Mance, Maru Banaticla, Roxanne Pimentel at Maika Ortiz sa inaasahang mainit na paluan sa pagitan ng dalawang mahusay na koponan ng liga. (Sarie Nerine Francisco)

ADAMSON

AIZA MAIZO

ANGELI TABAQUERO

ATENEO

COLLEGE OF ST. BENILDE

HANNA MANCE

LADY BLAZERS

LADY EAGLES

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with