^

PSN Palaro

Arboleda, suspindido ng buong 2009-2010 PBA season

-

MANILA, Philippines - Ipinataw na ng Philippine Basketball Association ang pinakamatinding parusa , makaraang suspindihin si Wynne Arboleda ng Burger King sa buong 2009-2010 season ng walang bayad.

 Si Arboleda, na tinawagan ng kanyang ikalawang flagrant foul sa laro, ay nanugod at nanapak ng isang fan na nang-aasar sa laro ng Whoppers kontra sa Smart Gilas team noong nakaraang Biyernes sa Araneta Coliseum kung saan tumanggap ng sipa at ilang suntok bago naawat.

At dahil sa suspensiyon na iyon, nangangahulugan na mawawalan ng P2.73M kita si Arboleda, pwera pa ang kikitain sa bawat panalo ng kopnan, advancement at player reward bonus. Dahil sa flagrant fouls penalty 1 sa laro, ang 9 na taong beterano ng PBA ay magmumulta din ng P20,000 at isang larong suspensiyon na isisilbi niya sa Miyerkules sa kanilang laban sa San Miguel.

Sa ipinadalang decision letter ng PBA kay Arboleda, sinabi ni PBA commissioner Renauld Barrios, na “As we pointed out to you, even granting that said fan was foul-mouthed and verbally abusive as confirmed by reports to us, there is a “line” that a PBA player cannot and should not cross: to physically harm a fan.”

Galing lamang sa dalawang magkahiwalay na insidente na kinasasangkutan din ng players at fans, sinabi pa ni Barrios na “your serious breach of this “line” at this time and in the manner described herein endangers the PBA as being perceived by the public as unwholesome and not deserving of fan support.”

Winakasan ni Barrios ang sulat sa pagsasabing kapag naulit ni Arboleda ang ganitong asal, ito ay magreresulta na ng lifetime ban mula sa liga.

Idinagdag ni Barrios, na personal na kinausap si Arboleda sa PBA Commissioner’s Office kahapon, na nagpadala ng malakas na senyales ang PBA sa mga ganitong klaseng asal at hindi ito babalewalain kung saan idiniin niyang ang interest ng fans ang pangunahing concern mula ng itatag ang liga.

At habang suspindido, hindi rin makakapunta si Arboleda sa mga laro ng Burger King.

Bilang may kontratang PBA player habang suspindido, hindi rin maaaring lumaro sa ibang liga si Arboleda. (DMVillena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ARBOLEDA

BURGER KING

PBA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

RENAULD BARRIOS

SAN MIGUEL

SI ARBOLEDA

SMART GILAS

WYNNE ARBOLEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with