MANILA, Philippines - Muling sumandig sa maasahang likod ni rookie Rome dela Rosa, binaon ng reigning three peat champion San Beda ang na-ngungulilang Letran, 82-76 kahapon upang makauna na makapagpakitang gilas sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena San Juan City.
Nagrehistro ng 12 points sa fouth quarter, dire-diretsong binangga ng Lions ang Knights para angkinin ang laban, katuwang si Garvo Lanete na mayroong 17 points at 7 assists ambag at nagdagdag pa si American Sudan Daniel ng kanyang 16 points, 10 rebouds at 2 blocks para ibaon ang Letran.
Gayundin, tumipa ng 12 points at 7 caroms si Jake Pascual para sa panalo.
Tumapos ng 15 points, tumipa ang beteranong Smart Gilas veteran na ito ng bumira ng 12 points sa unang bahagi subalit nanamlay nang makapagbigay lamang ng 3 points para sa Knights.
Dahil sa panalo, lalong lumaki ang tsansa ng Lions na makuha ang four peat na tagumpay at 15th overall title, sa likod ng makasaysayang 16 koronang naiposte ng Knights.
Humirit naman ng do-or-die game ang Jose Rizal University makaraang igupo ang San Sebastian, 72-65 sa isa pang seniors Final Four game.
Bunga nito muling magtatagpo ang dalawa sa Lunes upang madetermina kung sino ang may karapatang humarap sa Red Lions para sa titulo.
Samantala, itinakda ang paghaharap, makalipas ang pamamayani sa kani-kani-lang engkwentro, magtitipan ang San Beda at Letran bukas para sa pagbubukas ng best of three finals showdown ng juniors division.
Tinalo ng Red Cubs ang JRU Light Bombers, 90-76 at pinayuko ng Squires ang Staglets, 89-84.
Ang finals ay lalaruin sa Huwebes sa Araneta Coliseum. (Sarie Nerine Francisco)