Maagang showdown ng San Miguel at Ginebra di-dribol
MANILA, Philippines - Inaasahang magi-ging kapana-panabik na sagupaan ng sister teams angSan Miguel Beer at Barangay Ginebra ngayon sa rematch ng kanilang titular showdown noong nakaraang season, sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Umabot sa Game Seven ang sagupaan ng dalawang sikat na team na ito at ang Beermen ang nagtagumpay.
Ngunit inaasahang iba na ang magiging sitwasyon ngayon dahil sa pagbabalik ni Mark Caguioa sa line-up matapos di makalaro sa nakaraang season dahil sa injury.
Tampok na laro ang sagupaan ng Beermen at Gin King sa alas-7:30 ng gabi at mauuna rito ang salpukan ng Alaska at Red Bull sa alas-5:00 ng hapon.
Ipaparada rin ng San Miguel ang bago nilang player na si Arwind Santos na nakuha nila mula sa Burger King nitong off season.
Inaasahang muling magiging pambato ng Ginebra ang tambalang Caguioa at Jay-jay Helterbrand, ang reigning Most Valuable Player tulad ng dati at ina-asahang malaki rin ang magagawa sa team ni Rico Villanueva.
Makakatulong naman ni Santos ang nagbabalik na si Danny Seigle, madalas na wala noong nakaraang season dahil sa injury sa likod, at ang maaasahan pa ring si Dondon Hontiveros.
Ipaparada naman ng Alaska ang kanilang Fil-Am rookie na si Michael Burtcher, ang fifth pick sa rookie draft na makakatulong nina L.A. Tenorio, Larry Fonacier, Willie Miller, Tony dela Cruz, Joe Devance at John Ferriols.
Tatapak naman sa court ang tropa ng Red Bull na nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng kanilang team manager na si Tony Chua na isa sa naging biktima ng bagyong Ondoy.
Masusubukan ang mga rookie ng Red Bull na sina Ogie Menor at Bennedict Fernandez. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending