CSB belles ginapi ng Lady Stags
MANILA, Philippines - Pinatunayan ng defending champion San Sebastian College na ang bola ay bilog nang bumalikwas ito upang baligtarin ang kapalaran ng College of Saint Benilde at itakas ang panalo, 25-20, 25-21, 22-25, 25-19, 16-14 sa Game 1 ng NCAA women’s volleyball finals kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym.
Napawi ang kalamangang naiposte ng Lady Blazers na umabante ng 8-2 nang magkamit ng dalawang sunod na error sina Katty Kwan at Giza Yumang na nagbaon sa kanila sa 14-15 marka.
Gayundin, naagaw ng Lady Stags ang pagkakataong magreyna sa pamamagitan ng hit ni Joy Benito na tumapos ng laban.
Para sa men’s division, isang pukpukang bakbakan ang hinatid ng reigning titlist Letran at San Beda College, 25-23, 17-25, 11-25, 25-23, 19-17, sa pag-uumpisa ng kanilang serye.
Pumalo ng 25 hits at 4 blocks, nilapit ni Warren Pirante ang koponan sa tsansang muling makuha ang titulo.
Maging si Eynard Vergara na nagbigay ng 15 points kon-tribusyon upang sustinihan ang intensyon ng Knights sa three peat.
Bagaman naitabla ng Red Lions ang laban sa pamamagitan ng drop shot ni Leonel Laraya, naging alisto ang Knights para pigilan ang kalaban nang umis-kor sina Erickson Ramos at Renz Ordonez.
Kumolekta si Rocky Honrade ng 21 hits, subalit hindi masyadong nakatipa sa huling set, habang nagsalansan na-man ng tig 15 points sina Carlo Rodriguea at Lorenzo Capate ng San Beda.
Para sa aksiyon sa juniors, naglista sina Wilfred Pelone at John Erickson Francisco ng pinagsamang 41 hits para dominahin ang laban at palawigin ang tsansa ng Perpetual Help Junior Altas na maangkin ang kanilang kauna-unahang championship sa pamamagitan ng 25-19, 21-25, 25-21, 25-20 kontra sa San Sebastian Staglets. (SNF)
- Latest
- Trending