^

PSN Palaro

GTK nagmatigas sa kaso ni Martes

-

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, naging matigas ang puso ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok ukol sa pakiusap ni marathon runner Christabel Martes.

Bunga na rin ng pangangailan ng salapi para sa kanyang pamilyang biktima ng bagyong si “Pepeng” sa La Trinidad, Benguet, isinugal ni Martes ang kanyang posisyon sa national team upang ibulsa ang premyong P75,000 sa katatapos na 33rd MILO National Finals noong Linggo.

Mas pinahalagahan ng single mother na si Martes ang kapakanan ng kanyang pamilya at anak na si Maryam Sophie kesa sa memorandum ni Go para sa mga national athletes na lalahok sa 25th Southeast Asian Games sa Laos.

“It’s a pity that I have to drop Christabel from the national team because of what she did,” wika ni Go kay Martes, ang gold medalist sa 2005 Philippine SEA Games, sa panayam ng DZSR Sports Radio.

Sa memo ng PATAFA sa lahat ng atletang isasabak sa marathon event ng 2009 Laos SEA Games, ipinagbabawal niyang sumali sina Martes, Jho-An Banayag, Eduardo Buenavista at Mercedita Manipol na lumahok sa mga running event na sobra sa 10 kilometro.

“Kailangan ko talagang tumakbo and at the same time manalo kasi wala na akong magagawa dahil hindi ko pa alam ang nangyari sa pamilya ko sa La Trinidad (Benguet), kung may pagkain sila doon, kung may panggastos sila,” ani Martes, nagreyna sa MILO National Finals noong 1999, 2000 at 2001.

Hindi lumahok sina Banayag, Buenavista at Manipol sa katatapos na 42-kilometer na MILO National Finals.

“Even if I send her to Laos SEA Games she cannot perform well. If you continue to compete in some marathon competitions, you will be burned out,” ani Go sa kanyang mga long distance runners. “For the sake of the country forget the money.”

Maski ang mga race organizers ng MILO na sumusuporta sa mga programa ng PATAFA ay sinisi ni Go hinggil sa pagsali ng kanyang mga atleta.

“I’ve been telling them that if they are using the money to lure our national athletes, they are just destroying them as well as our chances in international competitions like the SEA Games,” ani Go. (Russell Cadayona)

BENGUET

CHRISTABEL MARTES

EDUARDO BUENAVISTA

GO TENG KOK

JHO-AN BANAYAG

LA TRINIDAD

MARYAM SOPHIE

MERCEDITA MANIPOL

NATIONAL

NATIONAL FINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with