^

PSN Palaro

Stags sinakmal ng Lions: magtatagpo muli

-

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkaka-taon ay muling nadungisan ang imakuladang barahang binabandera ng San Sebastian Stags nang sungkitin ng reigning three peat San Beda ang pagkakataon upang paralisahin ang depensa nito at itakas ang panalo sa pamamagitan ng 71-67 kahapon sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Kumonekta ng 19 points, 13 rebounds at 4 blocks, pinangunahan ni American giant Sudan Daniel ang pagtipa ng puntos para iangat ang kartada ng Red Lions, habang nagbigay rin ng 27 points, 6 assist, at 2 steals na kombinasyon ang guard tandem nina Garvo Lanete at Borgie Hermida para pumares sa Stags ng 16-2 marka. 

Naging pangunahing sandata ng Lions ang pinaigting na depensa sa league scoring leader na si Jimbo Aquino na na-limitahan lamang nila sa 9 points produksyon.

“We were more patient in the second half and we made it difficult for Aquino and their other shooters, these were the keys,” ani San Beda coach Frankie Lim

Binigyang pansin rin ni Lim ang epektibong laro nina Daniel at Hermida, na bagamat kakagaling lang sa opersayon sa kanyang ACL injury ay malaki ang naging kontribusyon sa naturang panalo. 

Bunga ng pagkapanalong ito, muling magtitipan ang San Beda at San Sebastian para madetermina ang top seed na makakasagupa ng Letran Knights na ulila kay Rey Guevarra sa Final Four, dakong alas-4 ng hapon.

Ang koponang hindi papalarin at pupuwesto sa No.2 slot at makakahamunan ng No. 3 na Jose Rizal Knights (15-4) sa Final Four. 

Sa laban naman sa junior division, pambihirang bangis ang pinamalas nang San Beda nang lapain nito ang reigning four peat champion San Sebastian, 101-80 kahapon para ipwersa ang playoff para sa top seeding, kontra sa Letran.

 Sa pamumuno ni Al Gotladera na kumana ng 20 points, inatake ng Red Cubs ang kampo ng Baste para ihatid ang San Beda sa tuktok katabla ang Squires na may 17-1 rekord.

Hindi rin nagpahuli, trinangkuhan nina Rolda Sara, Arthur dela Cruz, Baser Amer at Marc Ludovice na tumipa ng 17, 15, 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod ang nasabing pananaig.

Nakatakdang magkrus ang landas ng Letran at San Beda upang magkaalaman nang tunay na posisyon na nararapat kalagyan ng dalawa at makilala ang makalaban ng Perpetual Help at Jose Rizal na kasalukuyang nang nakaantabay. (Sarie Nerine Francisco)

AL GOTLADERA

BASER AMER

BORGIE HERMIDA

FINAL FOUR

FRANKIE LIM

GARVO LANETE

JIMBO AQUINO

SAN

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with