Bagong kaispar ni Pacquiao masusubukan
MANILA, Philippines - Pagtutuunan ng pansin ngayon si Jose Luis Castillo sa pakikipag-ispar ng dating world champion mula sa Mexico kay Manny Pacquiao sa Martes sa Baguio City.
Ang 35 anyos na si Castillo, dating WBC lightweight champion na nakaharap na sina Flloyd Mayweather Jr. at yumaong Diego Corrales ay nasa Baguio na.
Dumating na ito noong isang araw pero hindi dumeretso sa Baguio dahil sa landslides at baha na dulot ng bagyong ‘Pepeng’.
Hindi nag-aksaya ng oras inatasan ni Pacquiao na kailangang makarating agad si Castillo sa Baguio kaya naman mabilis na ipinahiram ng kanyang kaibigang si Chavit Singson ang kanyang 28 seater private plane.
“He just came in today,” wika ni chief trainer Freddie Roach habang nilalanghap ang kanyang dayoff sa malamig na lugar ng Baguio.
“He’ll spar on Tuesday with Manny. I’ll ask him to do three rounds but we’ll be doing seven for the day,” dagdag ni Roach.
Dumating si Castillo kasama ang American superlightweight na si Danny Escobar at maghahanda na sila para makasabay sa nagaganap na isparing.
May mga tanong sa kasalukuyang kondisyon ni Castillo at kung makakayanan si Pacquiao. At lahat ng ito ay masasagot bukas.
“He says he’s in shape. But I can’t tell you anything until Tuesday,” ani Roach, na pinanood si Pacquiao na nakipag-ispar na ng kabuuang 31 rounds matapos ang dalawang linggo.
Sa nakalipas na dalawang araw nakipag-ispar na ng 7 rounds si Pacquiao at nasiyahan naman si Roach.
“He dominated both guys yesterday,” dagdag ni Roach, na inatasan din si Pacquiao na lumangoy sa loob ng 30 minutos dahil hindi ito nakatakbo bunga ng masamang panahon.
Samantala, pinabulaa-nan din ni Roach ang ulat na plano ni Pacquiao na magtungo sa Amerika ng mas maaga sa Oktubre 24.
“That’s a lie. Whoever said that was lying. I just talked to Manny and it’s still Oct. 24. That’s where it is,” ani Roach. (ACordero)
- Latest
- Trending