MANILA, Philippines - Matapos ang ilang buwan ng pamamahinga, muling haham-pas ang Shakey’s V-League Season 6, 2nd conference para sa mas kapana-panabik na tapatan ng walong eskwelahan na nagnanais magreyna sa larangan ng volleyball.
Para sa paunang pasiklab, bubuksan ng UST ang maagang kampanya para sa sweep ng season’s crown sa pamamagitan ng paggupo sa malakas na koponang Adamson University sa ganap na alas dos ng hapon.
Bagamat nasa ikatlong pwesto, sinigurado ng San Marcelino based squad na sapat ang panahon na nabakante sila upang lalong palakasin ang pu-wersa ng bawat isa at isulong ang kontensyon sa kampeonato sa pamumuno ng mga beteranong sina Pau Soriano, Jill Gustilo, Angela Benting at Tatan Gata.
Subalit, iniingatan ang repu-tasyon bilang kampeon, matapos payukurin ang Lady Stags sa unang kumperensiya, pinaigting ng tropa nina Aiza Maizo, Judy Caballero, Ange Tabaquero, Maika Ortiz at Rhea Dimaculangan, katuwang ang guest player na si Rox Pimentel, ang pagsasanay para sa back to-back championship.
Samantala, masasaksihan rin ang engkwentro sa pagitan ng FEU at UP na kapwa nagnanais magpakitang gilas sa pagbubukas ng torneo, dakong alas-4 ng hapon sa The Arena San Juan City.
Base sa pinamalas na laro, nangibabaw ang galing ng FEU sa nakalipas na season kung saan nakuha nito ang kauna-unahang Final Four appearance sa ligang organisado ng Sports Vision. Kahit na nilapa ng Tigress sa sudden death semis nila, bumida pa rin sina Rachel Daquis, Anne Taganas, Shai Gonzales, Numay Vivas at April Jose para sa Tams.
Gayunpaman, bitbit ang pag-asa ng panibagong bukas, sisikapin ng Lady Maroons na magningning ngayon sa likod ng maasahang players na ki-nabibilangan nina Angeli Araneta, Denise Data, Joyce Palad, Cathy Barcelon, Eileen Quejas at guest player Merichelle Tagudin.
Tulad ng unang kumperensya, mapapanood ang live web cast ng mga laban sa www.v-league.ph habang ieere naman ng NBN ang delayed telecast nito araw-araw mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon.
Tiyak na babanderang muli sina Mari Pepito, Elaine Cruz, Bonsai Mirasol at Joy Benito upang mapanatili ang ang-king korona habang reresbak naman ang Ateneo dahil sa maagang pagkakasipa nito, sa pamamagitan ng pagsubi ng panalo nina Bea Pascual, Ave Paje, Kara Acevedo, Dzi Gervacio, Jem Ferrer, Fille Cainglet at guest alumna Charo Soriano.
Para sa Lyceum, mangu-nguna si Igay Artates, Joy Cases, Joan dela Pena at Gelic Alcantara, habang sisiguruhin naman ng St. Benilde na gugulantangin nila ang mga kalaban.
Tulad ng inaasahan, magi-ging mahigpit rin ang kapit ng Lady Stags sa inaasam na titulo kung kaya’t pag-iigihan nina Giza Yumang, Kara Agero, Katty Kwan at Charmaine Velez ang asam na kampeonato. (SNF)