LAS VEGAS, NEV. - Ang sagupaang Julio Cezar Chavez Jr. at Yuri Foreman ang tampok sa televised undercards ng sagupaang Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa Nov. 14 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Bukod kina undefeated No. 1 contenders Chavez at Foreman, idedepensa rin ni Daniel Santos (32-2-1, 23 KOs), ng San Juan Puerto Rico, ang kanyang World Boxing Association (WBA) super welterweight title, na napanalunan niya noong nakaraang taon via sixth-round knockout kay undefeated defending champion Joachin Alcine.
Ang iba pang laban sa televised undercard ay ang 10-round welterweight nina Alfonso Gomez (20-4-2, 10 KOs), at Jesus Soto-Karass.
Ipinagmamalaki ni Chavez, mula sa Culiacan, Mexico, anak ng legendary three-division world champion Julio Cesar Chavez, ang 40-0-1, 30 KOs record sa pagsagupa kay Foreman na may 25-2 7 KOs record sa middleweight division.
Ang Pacquiao vs. Cotto pay-per-view telecast, ay may suggested retail price na $54.95, na ipro- produced at distributed ng HBO Pay-Per-View ay magiging available sa 71 million pay-per-view homes. (Mae Balbuena)