^

PSN Palaro

Unification fight nina Viloria at Sosa papayagan ng WBC

-

MANILA, Philippines - Papayagan ng World Boxing Council (WBC) ang posibleng unification fight sa pagitan nina world light flyweight champions Brian "The Hawaiian Punch" Viloria at Mexican Edgar Sosa.

Ito, ayon sa isang opisyal ng WBC, ay kung mismong si Sosa ang lalapit sa kanila para itakda ang rematch kay Viloria.

Ang 28-anyos na si Viloria ang kasalukuyang International Boxing Federation (IBF) titlist, samantalang ang kaedad niyang si Sosa ang WBC king.

Si Sosa ang pumalit kay Viloria sa paghahari sa WBC matapos nitong talunin ang tubong Ilocos Sur via unanimous decision noong 2007.

"Viloria lost the WBC title against Sosa, and if he wants a rematch, we would authorize that opportunity," wika ng WBC representative sa panayam ng ESTO ukol sa unification fight nina Viloria at Sosa "But the champion (Sosa) is the one who decides to whether to give it or not."

Matapos matalo kay Sosa, isang seven-fight winning streak ang ikinasa ni Viloria na tinampukan ng kanyang 11th-round TKO kay Mexican Ulises "Archie" Solis para sa IBF crown noong Abril 19 sa Araneta Coliseum.

Matagumpay itong naidepensa ni Viloria kay Mexican Jesus "Iribe" Azul mula sa isang unanimous decision noong Agos-to sa Hawaii.

"Sosa realized that the WBC championship has worldwide recognition and it continues to be the face to counter the opinion that championships are useless," sabi ng WBC official.

Nakatakdang idepensa ni Sosa ang kanyang WBC belt sa pang 11 sunod na pagkakataon laban kay Filipino challenger Rodel Mayol sa Nobyembre 21 sa Tuxla Gutierrez, Chappas sa Mexico.

Dala ni Sosa ang 37-5-0 win-loss-draw ring record kasama ang 21 KOs, habang may 25-4-1 (19 KOs) card naman ang tubong Mandaue City, Cebu na si Mayol. (Russell Cadayona)

ARANETA COLISEUM

HAWAIIAN PUNCH

ILOCOS SUR

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

MANDAUE CITY

MEXICAN EDGAR SOSA

SOSA

VILORIA

WBC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with