^

PSN Palaro

Mayweather dapat matauhan

-

MANILA, Philippines - Dapat nang matauhan si Floyd Mayweather, dahil mas nais ni Bob Arum na ipromote ang laban sa pagitan ni Shane Mosley at ng magwawagi kina Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa Nobyembre 14.

Ayon kay Arum, na gumawa ng malalaking laban, na ilusyunado si Mayweather sa pagsasabing siya pa rin ang pinakamagaling matapos daigin ang mas maliit na si Juan Manuel Marquez.

Aniya, hindi tatalunin ni Mayweather si Mosley, Cotto o Pacquiao at wala sa matinong pag-iisip ang dating undefeated pound-for-pound champion sa pag-hingi ng 60 porsiyento sa premyo kapag nakaharap ang Filipino superstar.

Sinabi ni Arum, na nasa Pinas kamakailan upang masaksihan ang training ni Pacquiao sa Baguio, sa Boxing Scene na dapat labanan ni Mayweather si Mosley at dahil hindi naman gagawin ng mayabang na Amerikano, kailangang maghintay siya.

Sa isang hiwalay na artikulo na lumabas sa SportingNews.com, sinabi ni Arum na’ malakas niyang inaanyayahan’ ang magwawagi kina Pacquiao at Cotto na labanan si Mosley kaysa sa unification ng WBA at WBO welterweight titles.

Ayon sa ulat, ang hatian sa premyo ang dahilan kaya hindi pa maplantsa ang laban nina Pacquiao at Mayweather dahil ayaw pumayag ang sinuman sa dalawang boxer ng 50-50 na hatian.

“If I start hearing 60-40 (from Mayweather) that just tells me to hang up and move on to the next guy,” wika ni Arum .

“I think Cotto probably beats Mayweather. I think Manny probably beats Mayweather and I think Mosley beats Mayweather.” (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

AYON

BOB ARUM

BOXING SCENE

COTTO

FLOYD MAYWEATHER

IF I

MAYWEATHER

MOSLEY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with