MANILA, Philippines - Tagumpay na naiuwi ang ika-16 na titulo sa pamumuno ni Kiefer Ravena rumatsada ang Eaglets para pataubin ang matinding karibal na La Salle-Zobel 61-56 sa sudden death match ng UAAP juniors division basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Bumulsa ng 33 points sa Game 1, muling bumulusok ang kalibre ni Ravena makaraang masupil ito ng Junior Archers sa Game 2.
Gumawa ng mainam na diskarte, inayos ni Ravena ang play para makahugot ng puntos si Paolo Romero sa nalalabing segundo ng laban na kumitil sa pangarap ng La Salle.
Nagrehistro ng 16 points, kabilang ang 7 sa huling quarter, umatake si Ael Banal para paslangin ang Archers habang kumonekta rin si Romero ng 12 points tampok ang mahalagang 6 points sa huling 3 minuto,
Nag-ambag rin si Von Pessumal ng kanyang 10 points para sa naturang pananaig.
Bagamat hindi gaanong naging produktibo, ang mga matalinong taktikang nilapat ni finals MVP Ravena ang humatak sa koponan patungo sa inaasam na titulo.
Malaki rin ang naitulong ng krusyal na steal ni Ravena para basagin ang DLSZ, 59-56 at tuluyang wakasan ang pag-asa ng karibal sa pamamagitan ng pasa ni Arnold van Opstal kay Nico Elorde na bumuslo ng hu-ling puntos.
Ito ang unang pananaig ni Jamike Jarin kontra La Salle’s mentor Boris Aldeguer. Dahil sa pinamalas na sipag at determinasyon inamin ni Jarin na isang pukpukang laro ang bigay ng La Salle. (Sarie Nerine Francisco)