PBA Hall of Famers iluluklok sa Biyernes
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Allan Caidic, dating Commissioner Emilio ‘Jun’ Bernardino at isa sa mahusay na import na si dating PBA Chairman Carloy ‘Honey-boy’ Palanca III ang ikatlong batch ng Hall of Famers Philippine Basketball Association na paparangalan sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel sa Biyernes.
Itatalaga sa Hall of Fame sa alas-7:00 ng gabing programa si Bernardino na pumanaw noong 2004 matapos magsilbi sa liga ng halos walong season na naghatid sa PBA sa tagumpay.
Sasamahan ni Caidic, may hawak ng record na may pinakamaraming three-point shots sa isang laro lamang (17), sina former San Miguel Beer teammates Samboy Lim at Hector Calma, at dating SMB superstar Ricardo Brown at seven-time best import awardee Bobby Parks. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending