^

PSN Palaro

DLSZ humirit ng sudden-death

-

MANILA, Philippines - Matagumpay na nailusot ng La Salle Zobel ang panalo nang padapain ang defending champion Ateneo, 57-53 para pahabain pa ang buhay nito palapit sa titulo ng UAAP juniors basketball tournament kagabi sa Filoil Flying V Arena, San Juan City.

 Makaraang maipareho ang baraha, mas lumaki ang tsansa ng Junior Archers na mapana ang korona.

Dahil dito, masasaksihan ang makapigil hiningang deciding game bukas sa Araneta Coliseum.

Naging mahalaga ang short jumper na tinira ni rookie Arnold Van Opstal at tig dalawang free throw nina Raphael Herrera at Gywne Capacio para wakasan ang nasabing laban pabor sa La Salle Zobel.

 Sa pamamagitan ng mahigpit na depensa, nasupil ng Junior Archers ang tangkang pagragasa ni Kiefer Ravena na nagkaroon lamang ng 6 na puntos na malayo sa average points nito.

 Tiwala sa aspetong team effort, alam ni La Salle-Zobel mentor Boris Aldeguer na hindi makakayang mag-isa ni Ravena na akuin ang buong responsibilidad para sa koponan. 

 Kasabay nito, pagtutuunan niya ang madiskarteng banat para pumasok sa serye ng finals.

 Namuno si Capacio na may 19 points habang nagdagdag si Van Opstal ng 10 points, 10 rebounds at 4 blocks para sa Junior Archers.

 Kumonekta naman si Ael Banal ng 19 points habang nag-ambag si Al Bugarin ng 11 points at 19 boards para sa Ateneo.

 Sa kabilang banda, para sa women’s division, binawi ang koronang minsang nawala sa kanilang pangangalaga, pinagreynahan ng Adamson University ang torneo matapos ibaon ang Far Eastern University, 64-50.

Binalik ang titulo sa San Marcelino squad, nagrehistro ng 19 points at 16 rebounds si Almazan na naging pangunahing player ng Lady Falcons.

 Sinubukang ipwersa ang sudden death match, bigo ang Tamaraws na humirit ng isa pang laro.

Bagaman ginawa ang lahat, kinapos ang 13 points at 11 rebounds produksyon ni Allana Lim at 11 points kontribusyon ni Raiza Palmera para sustinihan ang Lady Tams. (SNFrancisco)   

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

AEL BANAL

AL BUGARIN

ALLANA LIM

ARANETA COLISEUM

JUNIOR ARCHERS

LA SALLE ZOBEL

PARA

POINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with