Reyes, Bustamante pambansang kayamanan
MANILA, Philippines - Isang red carpet ang isinalubong kina billiards legend Efren 'Bata' Reyes at Francisco 'Django' Bustamante matapos na bigyan sila ng parangal ni Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) Secretary Lito Atienza kamakailan kung saan ang dalawang nabanggit ay maitururing na 'national treasures' ng bansa matapos nilang ilagay ang kani-kanilang sarili sa world class sports sa kabila ng nagsimula sila sa ibaba patungo sa kinalalagyan nila ngayon.
“There is a Bata' Reyes and a 'Django' Bustamante in all of us Filipinos who are doing his or her best to soar above life's challenges,” wika ni Atienza sa simpleng honorary rites na ipinagkaloob sa dalawang pool champions na tinampukan ng awarding of recognition plaques at exhibition match.
Sina Reyes at Bustamante ay kapwa nagsimula bilang billiard hall attendants o 'spotter's, at nakasaad sa recognition plaque na ibinigay ni Atienza ang 'to become as one of the world's greatest all-time billiard player. We hold you up as a national treasure, an exemplary of hope, discipline, creativity, sportmanship and excellence.”
Matapos ang recognition rites, isang nine-ball exhibition match ang nilaro ng dalawang kampeon sa lobby ng DENR kung saan si Atienza ang siyang nagsagawa ng ceremonial break.
Isinubi ng dalawa ang World Cup of Pool Championship na idinaos sa Quezon City kamakailan matapos na igupo ang top contenders mula sa Germany.
- Latest
- Trending