2nd Subic International Marathon
MANILA, Philippines - Itinalaga ang Burlington BioFresh bilang official na medyas sa 2nd Subic International Marathon na gaganapin sa October 23 hanggang 25 sa dating American military base.
Ayon kay Ruddy Tan, General Manager ng Burlington Industries Phils. Inc. na kamakailan lang ay ipinakilala ang Flexel at Sofigel foot care products, na karangalan nila na maging parte ng pinaka-prestihiyosong running event sa bansa.
“We have been supporting basketball, football, badminton, voleyball and now Burlington is into full marathon to help develop our athletes and support the running advocacy of Gen. Tucay,” wika ni Tan, na ang kanilang kumpanya ay nagdaos na rin ng fun run.
Ang mga kalahok sa SIM ay susuutan ng Burlingtion BioFresh antimicrobial socks.
Inaasahang aabot sa 10,000 runners kabilang ang mga foreigners ang lalahok sa SIM’s 42K, 21K, 10K, 5K at 3K at iba pang side events na presinta ng Smart at suportado ng PNP sa pangunguna ni Gen. Jesus Versoza, SCTEX at SBMA.
Ang mga media partners naman ay ang ABS-CBN, IBC 13, Manila Bulletin, Business Mirror, Philippine Star, Business World, Action and Fitness Magazine, Wave 89.1, Magic 89.9, Jam 88.3, RT 99.5 at Max 103.5.
- Latest
- Trending