MANILA, Philippines - Humugot si Alfred Gerilla ng 18 puntos, 10 rebounds, 1 assist, 1 steal at 1 shotblock upang pangunahan ang PBL/Liga Pilipinas sa 85-72 paggupo sa UAAP/NCAA sa kanilang charity game kahapon sa Araneta Coliseum.
Bumangon ang PBL/Liga Pilipinas nina Willie Gene-ralao at Yayoy Alcoseba buhat sa isang 16-point deficit sa second period para daigin ang UAAP/NCAA nina Glenn Capacio at Richard Del Rosario.
Naglista ang UAAP/NCAA ng malaking 37-21 kalamangan sa second period bago nakabawi ang PBL/Liga Pilipinas sa third quarter para kunin ang 60-59 abante.
Mula rito ay hindi na pinayagan ng PBL/Liga Pilipinas na makalapit ang UAAP/NCAA.
Pinangunahan ni Jan Colina ng Adamson University ang UAAP/NCAA mula sa kanyang 13 marka kasunod ang 10 ni Joshua Webb ng De La Salle University at 8 ni Reil Cervantes ng Far Eastern University.
Nagdagdag ang Pharex Generix ng PBL ng P50,000 para sa naunang nahakot na P1.5 milyon mula sa nag-organisang Smart Sports ni Manny V. Pangilinan at Harbour Centre ni Mikee Romero.
Kasalukuyan namang naglalaban ang Powerade-Team Pilipinas ni Yeng Guiao at Smart Gilas ni Serbian coach Rajko Toroman habang isinusulat ito.
Itatampok ng Smart Gilas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), pinamumunuan ni Pangilinan bilang pangulo, ang kontrobersyal na si Japeth Aguilar. (RCadayona)
PBL/Liga 85 - Gerilla 18, Melegrito 12, Raymundo 11, Labagala 10, Leynes 6, Mangahas 6, Saldua 5, Ababon 4, Bolocon 4, Gaco 3, Husted 3, Bauzon 2, Mirza 1.
UAAP/NCAA 72 - Colina 13, Webb 10, Cervantes 8, Montecastro 7, Co 6, Ponferrada 6, Guillermo 6, Mangahas 5, Fortuna 4, De Guzman 3, Tan 2, Sarangay 2.
Quarterscores: 13-21; 31-41; 60-59; 85-72.