Undercards sa Cotto-Pacquiao fight inilabas na
MANILA, Philippines - Inihayag na ang mga undercard sa laban nina Manny Pacquiao at Miguel Angel Cotto sa November 14.
Ang main at ang tatlong scheduled TV undercard fights na iniulat ni Dan Rafael sa espn.com ayon sa examiner.com ay ang mga sumusunod. Julio Cesar Chavez, Jr. (40-0-1) vs. Troy Howland (25-2-7): Daniel Santos vs. Yuri Foreman: Jesus Soto Karass vs. Alfonso Gomez.
Inaasahang aabangan ang Chavez-Howland.
Si Chavez ay isa sa mga mainit na Mexican boxers na nasa ilalim din ng promoter na si Bob Arum.
Sinasabing ang labang ito ay Mexican versus Jewish. Samantala kasama naman si Pacquiao sa listahan ng mga atletang itatampok sa ESPN The Magazine’s The Body na lalabas sa susunod ng linggo.
Bukod kay Pacquiao ang mga atletang kinunan na nakasuot ng kanilang mga birthday suits at sa ibang larawan ay makikita ang kanilang katawan nasa magazine din sina tenisters Serena Williams at James Blake; NFL athletes Adrian Peterson, Casey Hampton, Torry Holt; NBA/WNBA stars Dwight Howard, Cappie Pondexter; Major League Baseball star: Nelson Cruz, Joba Chamberlain at Ivan Rodriguez; NHL stars Zdeno Chara, Chris Higgins, Sheldon Souray, Bill Guerin, Mike Komisarek; NASCAR star Carl Edwards, Mark Martin; Olympians Jessica Mendoza, Susan Francia, Shawn Johnson, Allison Baver, Johnny Weir, Cheryl Haworth; golfers Christina Kim, Sandra Gal, Anna Grzebien; Mixed martial artists Gina Carano, Randy Couture; surfer Claire Bevilacqua; Laird Hamilton; Soccer player Natasha Kai, Chris Pontius, Bryan Namoff, Clyde Simms; Skiers Kristi Leskinen, Julia Mancuso; tracksters Lolo Jones, Michelle Carter at jockey Alexis Solis.
Sinasabing medyo bold ang dating ng mga litrato ngunit may artistic na dating ito. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending