^

PSN Palaro

Roach nasiyahan na sa porma ni Pacquiao

- Abac Cordero -

BAGUIO CITY , Philippines  -- Matagal at matindi ang worked out ni Manny Pacquiao kahapon at nagpasaya na sa kanya ang malaking ngiti at thumbs-up ng kanyang chief trainer na si Freddie Roach.

Binugbog ni Pacquiao si Shawn Porter sa loob ng tatlong rounds at Urbano Antillon sa dalawang rounds nang tapusin niya ang kanyang unang linggo ng isparing may anim na linggo na lamang ang nalalabi para sa kanyang laban kay Miguel Cotto.

Nahirapan si Pacquiao sa mas malaki at mas mabi-gat na si Porter, ang 21 anyos na junior middleweight nang unang mag-ispar ang dalawa noong Huwebes. Ibang istorya na kahapon.

Naipakita na rin ng hard-hitting Filipino ang kanyang bilis sa kamay at paa na paminsan-minsan ay hindi mailagan ni Porter. Sa ikalawang round tinamaan ang tubong Ohio sa pamamagitan ng solidong left straight sa mukha.

At napatigil naman ni Pacquiao si Porter na tumapos sa kanya. Nauna rito, ilang beses ding tinamaan ng Amerikano si Pacquiao ng kanyang suntok sa kaliwa din kung saan napapakapit ito ang Pinoy sa lubid.

Ngunit sa kabuuan, mas maganda na ang sparring session niya kaysa noong Huwebes at habang pabalik na sa kanyang corner ay sumenyas ng thumbs-up si Roach.

“He was working on his timing and he was more focused today -- less distractions, no media day, no showing off. He played a little bit in the end but I’m very happy. He just gets better as time moves on,” ani Roach.

Noong Huwebes, pagkatapos ng isparing sinabi ni Roach na 40 percent pa lang handa si Pacquiao ngunit kahapon sinabi nito na bago pa sila umalis patungong Los Angeles sa Oktubre 24 ay nasa 70 hanggang 80 percent nang handa si Pacquiao kay Cotto.

Samantala, kapag gumanda ang panahon. baba ng Maynila si Pacquiao upang personal na mamahagi ng relief goods sa hindi mabilang na biktima ng bagyong Ondoy.

Nais ni Pacquiao na umalis ng Baguio matapos ang dalawang oras niyang workout kahapon ngunit napigil ito bunga ng malakas na ulan kahapon at nagkulong na lang ito sa kuwarto ng hotel.

Nagdonate si Pacquiao ng P1 milyon sa mga biktima ng bagyong Ondoy sa pamamagitan ng GMA Kapuso Project at sinabing ang mga relief good na ipapamahagi niya sana ay bukod sa kanyang naunang donasyon.

“We’ll probably go to Marikina and Pasig. We will take a bus to those areas and distribute the relief goods. I don’t need to get off the bus. That should keep us safe,” ani Pacquiao.

FREDDIE ROACH

HUWEBES

KANYANG

KAPUSO PROJECT

LOS ANGELES

MARIKINA AND PASIG

MIGUEL COTTO

NOONG HUWEBES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with