PBA players orientation

MANILA, Philippines - Isa-isahin ni PBA commissioner Sonny Barrios sa mga rookies, sophomores at juniors sa Martes ang mga alituntunin ng liga sa annual Players Orientation session sa Ali Mall Cinema 4.

Hatid ng Coca-Cola, ang resource speakers ng event ay sina former Shell team manager at governor Bobby Kanapi, Sienna Olazo ng Araneta Center at Sabrina Ildefonso, asawa ni San Miguel Beer center Danny Ildefonso.

Magsisimula ang session sa alas-2:00 ng hapon ng Martes kung saan maaaring hindi na dumalo ang mga PBA players na dumalo na ng tatlong beses sa naturang orientation.

Pagtutuunan kung ano ang mga dapat asahan ng mga baguhan sa pagsabak sa pros, kung papaano sila dapat kumilos sa loob at labas ng court, ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga mother ballclubs, sa liga at fans.

Tatalakayin ng asawa ni Ildefonso, isang successful entrepreneur, ang mga business opportunities at magbibigay ng suhestiyon kung paano pangangasiwaan ng mga player ang kanilang mga kita.

Show comments