^

PSN Palaro

Padilla babandera sa National Open shootfest

-

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Southeast Asian Games-bound pistol champion Nathaniel ‘Tac’ Padilla ang malaking bilang ng mga partisipante sa apat na araw na 2009 National Open Shooting championships na magsisimula ngayon sa PSC range sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang 45-gulang na si Padilla ay lalaban sa 25-meter rapid fire pistol competition, ang unang event sa torneong inorganisa ng Philippine National Shooting Association sa pamumuno ni Art Macapagal.

Lalaban din si Padilla sa standard pistol at center fire events.

Ang iba pang events ngayon ay 50-meter fire prone (para sa men, women, junior at senior) 50-meter practical shotgun (men, women, law enforcers, team) 50-meter WAC 1500, 48 rounds (men women law enforcers) American trap (men, women, senior, junior, team) at executive shootfest.

Pinuna rin ni Macapagal ang lumaking bilang ng participants na karamihan ay kabataan.

Kabilang dito sina Shanin Gonzales, Ruth Ricardo, Mica Padilla,” estudyante mula sa Assumption College at anak ni Tac Padilla.

Ang iba pang shooters na nagqualify para sa national SEAG squad ay sina Carolino Gonzales, Emerito Concepcion, S/Sgt. Eddie Thomas, Ronald Hejastro at M/Sgt Robert Donalvo.

Ang aksiyon sa shootfest ay magpapatuloy bukas at sa Oct. 10-11.

Sinimulan ni Tac Padilla ang kanyang career sa edad na 12 gulang pa lamang at matapos magwagi ng gold medal sa junior division ng Benito Jarez championships sa Mexico City, naging national champion na siya sapul noong 1978.

ART MACAPAGAL

ASSUMPTION COLLEGE

BENITO JAREZ

CAROLINO GONZALES

EDDIE THOMAS

EMERITO CONCEPCION

FORT BONIFACIO

MEXICO CITY

PADILLA

TAC PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with