MANILA, Philippines - Matapos ang masalimuot na sinapit ng bansa dulot ng Bagyong Ondoy, hindi pa rin napapawi ang paghahangad ng reigning three peat titlist San Beda na masolo ang ikalawang pwesto sa pamamagitan ng pagdurog sa karibal na Letran sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament na mu-ling aaksiyon ngayon sa The Arena, San Juan City.
Kasalukuyang katabla ng Jose Rizal, asam ng Knights na umabante kontra sa Jose Rizal Bombers upang lumapit sa San Sebastian Stags na nakatikim ng masaklap na kabiguan sa kamay ng Knights matapos itumba ng huli at tapusin ang namamayagpag na record nito, 68-80.
Dahil dito, alam ni San Beda coach Frankie Lim na nasa alapaap pa ang Knights bunga ng natamong tagumpay.
“It’s going to be a big game for us, Letran will play with a lot of confidence after a big win against San Sebastian,” ani Lim.
“We have to match their intensity, limit our turnovers, control the boards,” dagdag pa nito.
Inaasahang magiging mainit ang naturang sagupaan kung saan kinatampukan ng suspensyon ng isang laban nina Jaypee Belencion at Kris Alas ng Letran habang nawarningan na rin dahil sa misbehavior sina coach Louie Alas, assistant Mel Alas, Kevin Alas at San Beda’s giant Sudan Daniel.
Samantala, una munang magtitipan ang dalawang napatalsik na koponan, Mapua (4-12) at guest team na Angeles U Foundation (1-15) para sa inisyal na labang magsisimula sa ganap na alas dos ng hapon. (Sarie Nerine Francisco)