Aussies ginulat ng Koreans

MANILA, Philippines - Matitinding spikes ni Kim Yo-han ang naging sandata ng Korean upang gulantangin ang defending champion Australia, 25-20, 23-25, 25-21, 25-23, para makapuwesto sa quarterfinals ng 15th Asian Senior Men’s Championship sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.

Pumalo ng 25 kills at dalawang blocks, ang mabilis na Korean star na si Kim upang dungisan ang dating walang talong Aussie.

Nagpamalas ang Koreans ng kanilang porma sa blocking, receiving at attacking laban sa mas matangkad na Australians sa mahigpitang bakbakan , upang ilista ang kanilang ikatlong panalo sa gayundin karaming laban sa Pool D.

Isinara naman ng Aussies ang kanilang elims sa 3-1 marka.

Awtomatikong uusad sa quarters ang Koreans at Aussies kapag tinalo ng huli ang Lebanon sa krusiyal nilang pagtatagpo sa alas-2 ng hapon sa NAS.

Ang mapanatili naman sa kontensiyon ang asam ng Philippines sa kanilang pakikipagtagpo sa Chinese-Taipei nga-yong alas-6 ng gabi. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments