MANILA, Philippines - Tuluyang napag-iwa-nan, hindi nakaporma ang Pilipinas sa mga hagupit na pinamalas ng Kazakhstan para iposte ang 19-25, 14-25, 18-25 pananaig ng dayuhan para sa pagpa-patuloy ng 15th Asian Senior Men’s Volleyball Championship sa San Andres Gym sa Maynila.
Inararo ng sunod sunod na kills at spike, binaon ng Kazakhs ang Pinas upang palakasin ang grupo na makikipagbuno pa sa Australia, Tsina, Korea at Japan para sa kampeonato.
Dahil sa tinamong kasawian sa dalawang laban, natapos na ang kontensyon ng Pilipinas.
Kulang ang pwersa para sustinihan ang lakas ng tropa, yumuko ang host team sa Mynmar noong Linggo.
Sa naunang laban, pinaamo naman ng Lebanon ang Maldives, 25-19, 25-13, 25-13 habang dinomina ng Vietnam ang engkwentro kontra Hongkong, 25-23, 25-17, 25-22.
Matapos ang pagkatalo sa opening matches, kapwa nakabangon ang Lebanon at Vietnam sa huling laban.
Kaalinsabay nito, nau-ngusan rin ng four time champion Korea ang Qatar sa isang pukpukang laban habang nadaig rin ng Indonesia ang Thailand.
Nakakuha ng awtomatikong pwesto sa susunod na round ang Indons na may 2-0 baraha sa Pool B habang nakakuha ng krusyal na lamang ang mga Koreano sa Pool D. (SNF)