^

PSN Palaro

Isang Sabado at ang bagyong Ondoy

SPORTS - Dina Marie Villena -

Kapag bumabagyo, lalo na kung matindi ang hagupit nito, inaasahan na namin ang mastranded sa isang lugar.

Noong Sabado, sinamahan ko ang anak kong nagpunta sa Makati Medical Center para sa colonoscopy. Alas-8 ng umaga pa lang andun na kami dahil nga sa alas-9 ng umaga ang schedule. Andun rin ang apo ko dahil sa schedule naman ng vaccination.

Hala hindi namin akalain na aabutin kami ng pagkakaipit sa Buendia gayung napakalapit na nito patungo sa aming opisina sa Pilipino Star Ngayon.

Alas-5 na ng hapon, hindi na ako mapakali kasi kailangan naming mag-asawang pumasok. Pero Papaano?

Lahat na yata ng sulok ng Makati ay pinuntahan na namin sa pagbabakasakaling makakalusot.

Pero walang swerte. Sabi ko maghahanap na lang ako ng internet shop. Kaso wala ring kuryente.

Haaay, naku paano na ngayon ang sports page ko?

Bandang alas-6:30 nagkakuryente na at salamat nakakita na rin ako ng internet shop.

Tumawag ako sa opisina at sinabi ko gagawin ko na ang mga story at ilayout na lang. Ginawa ko na rin ang mga heads at pati foto nagpakuha na rin ako.

Salamat at natapos ko rin ang trabaho ko. Nag-aalala kasi ako dahil dalawang editor lang na kasamahan ko ang nakapasok.

Ganun ka-grabe. Dati-rati mastranded man kami pinakamatagal na ang 8 oras at nakakarating ako sa opisina.

Noong Sabado wala kaming nagawa.

Linggo na ng madaling araw kami naka-uwi pero marami pa rin ang stranded.

Salamat at ligtas kaming lahat. Pati ang bunso kong anak na nag-stay na lang sa school niya sa St. Paul Manila. Mas ligtas dun.

* * *

Noong Linggo ng umaga rin nakarating ang malungkot na balita sa pagkamatay ni Barako Bull board representative Tony Chua kasama ang assistant na si Joenare Pedal.

Shocked ako sa text message kaya tinawagan ko ang lahat para lamang kumpirmahin kung totoo ang balita.

Totoo nga.

Nakakalungkot. Biktima si Tony ng hagupit ni Ondoy.

Ipinaaabot namin ang aming pakikidalamhati sa pamilya ni Tony at Joenare.

* * *

Bilang pagtulong din sa ilang kababayan nating nasalanta ng bagyong Ondoy, nagsimula na rin ng sariling fund raising campaign ang Philippine Sports Association na pinamumunuan ni PDI sports editor Teddyvic Melendres.

Para sa mga nagnanais tumulong sa ating mga kababayan, maaari nyong ipadala ang inyong tulong sa POC-PSC Media Center sa Rizal Memorial Sports Complex, c/o Abac Cordero ng Phlippine Star mula alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.

* * *

Personal: Happy birthday kina Tita Auring (Oct. 1), Benjie Paras (Oct.2) Araceli Ocampo (Oct. 3) Mon Fernandez (Oct. 3) at Margie Silaya Perdido (Oct.5).

vuukle comment

ABAC CORDERO

AKO

ARACELI OCAMPO

BARAKO BULL

BENJIE PARAS

JOENARE PEDAL

MAKATI MEDICAL CENTER

MARGIE SILAYA PERDIDO

NOONG SABADO

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with