^

PSN Palaro

Pro at collegiate cagers sa charity game: Sama-sama para sa bansa

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Bilang tugon sa pagkakaisa, kooperasyon at pagmamahal sa bansa, isang blockbuster exhibition game ang inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na tatampukan ng mga pinakamahuhusay na professional at collegiate players para sa benepisyo ng mga biktima ng Bagyong Ondoy.

Ang mahalagang event ay nakatakda sa Lunes sa Araneta Coliseum kung saan maglalaban ang UAAP-NCAA Selection at PBL-Liga ng Pilpinas Selection at Smart Gilas kontra naman sa Powerade Pilipinas.

Ang mga opisyal ng SBP, PBA, PBL, Liga Pilipinas, UAAP ay NCAA ay nagpulong kahapon at nagkasundo sa pagtatanghal ng charity event sa kooperasyon ng Big Dome management.

“Araneta has agreed to the event’s free use of the venue. We will donate to the typhoon victims all proceeds from tickets,” pahayag ni Smart Sports head Patrick Gregorio .

“We are also asking all leagues to donate old rubber shoes or rubber slippers. We all decided to give donation to the ABS-CBN Foundation,” dagdag ni Gregorio.

Makikipagbalikan si coach Yeng Guiaosa kanyang Tianjin FIBA Asia RP team kontra kay coach Rajko Toroman at kanyang Smart Gilas developmental team.

Magsasanib naman ng puwersa ang UAAP at NCAA bago tuluyang bumalik sa kani-kanilang koponan sa closing stage ng collegiate season.

ARANETA COLISEUM

BAGYONG ONDOY

BIG DOME

LIGA PILIPINAS

PATRICK GREGORIO

PILPINAS SELECTION

POWERADE PILIPINAS

RAJKO TOROMAN

SAMAHANG BASKETBOL

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with