^

PSN Palaro

RP spikers vs Kazakhstan

-

MANILA, Philippines - Hangad ang tagumpay, magsasagupa ang landas ng host na Pilipinas at Kazakhstan sa isang sudden death game para sa pagpapanatiling buhay ng tiket sa 15th Asian Seniors Men’s Volleyball Championship sa San Andres Gym sa Maynila.

Sa ganap na alas dos, magkukrus ang daan ng dalawa upang ipaglaban ang kontensyong umabante sa quarterfinals ng Group A.

Nais bigyan ng isang matikas na umpisa at magandang pagbubukas ng 18 bansang kompetisyon na handog ng Philippine Volleyball Federation (PVF), nabigo ito nang dumapa ang Pinoy sa Myanmar sa kanilang laban.

Bagaman naglista ng 26, 20 at 12 points sina Ediet Mabbayad, Edcer Penetrante at Dante Alinsunurin, ayon sa pagkakasunod, kinailangan ang pagkayod nito nang mabigo sa huling dalawang set na nagtapos sa 21-25, 25-21, 19-25, 25-22,17-15 kamakailan.

Kabilang sa Group A, magpapasikatan ang Pilipinas, Myanmar, Kazakhstan at Chinese Taipei.

Upang makahakbang sa susunod na round, kinakaila-ngang magapi ng Pilipinas ang Kazakhstan at Taipei. 

Ang dalawang koponang aangat sa grupo ay aabante sa quarterfinals.

Samantala, matagumpay na umusad palapit ang Korea at Indonesia sa inaasam na puwesto sa quarterfinals nang manalo sa kanilang ikalawang laro kahapon sa liga.

Humugot ng enerhiya, nagtulong tulong ang mga Koreano para manaig matapos ang pukpukang laban sa fourh set kontra Qatar, 21-25, 25-14, 25-14, 39-41, 20-18.

Hinagupit ng hampas, niyurakan ng Southeast Asian team Indonesia ang reputasyon ng Thailand nang payukuin ito sa straight sets, 25-23, 25-21, 25-20, upang ibandera ang 2-0 karta sa Group B.

Tinalo naman ng Iran ang Sri Lanka, 18-25, 25-16, 25-15, 25- 17. Hawak ng Iran ang 1-0 baraha habang nalaglag naman sa Sri Lanka sa 1-1.

Nasungkit naman ng China ang ikalawang sunod na panalo nang igupo ang Hong Kong, 25-15, 25-11, 25-14. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ASIAN SENIORS MEN

CHINESE TAIPEI

DANTE ALINSUNURIN

EDCER PENETRANTE

EDIET MABBAYAD

GROUP A

GROUP B

KAZAKHSTAN

PILIPINAS

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with