PBA press corp awards night
MANILA, Philippines - Papagitna si Talk N Text coach Chot Reyes sa kanyang pagtanggap ng Coach of the Year Award sa pagtatanghal ng 2009 PBA Press Corps Annual Awards ngayong alas-7:30 ng gabi sa The Alegria ng Waterfront Manila Pavilion.
Iginiya ng Tropang Texters sa Philippine Cup championship sa kanyang ikalawang season lamang sa koponan, si Reyes ang tatanggap ng prestihiyosong Virgilo ‘Baby Dalupan Cup sa ikatlong pagkakataon sa loob ng pitong taon at ikaapat sa pangkalahatan sapul ng unang igawad ang PBAPC Awards noong 1993.
Ang kanyang huling Coach of the Year award ay didistansiya kay Ginebra’s Jong Uichico, Alaska’s Tim Cone at Purefoods’ Ryan Reyes, na dalawang beses nagwagi ng Dalupan Trophy.
Si San Miguel Corp. chairman Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. naman ang Executive of the Year winner sa parangal na hated ng Smart Sports, San Miguel Corp., Coca-Cola and Pagcor Sports. Suportado din ito ng event Burger King, Sta. Lucia Realty, Alaska, Rain or Shine, Barako Bull and Harbour Centre.
Gagawaran naman ng All-Rookie Team sina Jared Dillinger, Sol Mercado, Bonbon Custodio at Larry Rodriguez.
Ang iba pang pararangalan ay sina Wynne Arboleda, Jason Castro, Mike Cortez, Arwind Santos, Jimmy Alapag and Throngy Aldaba.
- Latest
- Trending