Tigers umamo sa Aces
MANILA, Philippines - Binasag ni Wille Miller ang pagkatabla ng laban sa pamamagitan ng buzzer-beating jumper na nagbigay sa Alaska Aces ng 100-97 panalo laban sa Coca-Cola Tigers sa panimula ng 2009 Coke-PBA Pre Season games sa Cuneta Astrodome Pasay City.
Matapos ang timeout, kinuha ni Miller ang inbound pass mula kay Tony Dela Cruz at pigilan ang tira ni Alex Cabagnot na nagtabla sa iskor sa 97-all may 1.5 tikada na lang ang nalalabi.
Nagtapos si Miller ng may 16 puntos at 8 assists sa loob ng 29 minutong paglalaro. Nakabangko lang halos ito sa ikalawang bahagi ng bakbakan ng tila hawak na ng Alaska ang laro ngunit bumalik sa court ng may limang minuto na lang ang nalalabi upang bantayan si Ken Bono na tumirada sa Tigers.
Inilista naman ni LA Tenorio ang kanyang 20 puntos at 8 rebounds habang nagdagdag si Sonny Thoss ng 19 pts at 12 rebounds para sa Aces.
“The team is not yet 100 percent in game shape but everybody is fit healthy. Our first team is still working on their rhythm but I am encouraged by the performance of our second team,” patungkol nina Alaska coach Tim Cone kina Larry Fonacier, John Ferriols at Reynel Hugnatan.
Sinabi ni Cone na ang defending Philippine Cup champion Talk N Text at San Miguel Beer pa rin ang team to beat sa nalalapit na season bagamat naniniwala itong malakas na rin ang Alaska.
“We have a good team that’s why we kept it intact. And I have no doubt that we will again contend for the championship,” Cone said.
Binuksan ng Aces ang laban sa pamamagitan ng 12 puntos na bentahe ngunit nakabangon ang Tigers sa likod ng kabayanihan ni Cabagnot, na nakapaglista ng 20 puntos at 8 assists, rookie Chris Ross, RJ Rizada at Asi Taulava.
Napigil ng Alaska ang iskor sa 90-81 may 5:16 pa ang nalalabi bago nanalasa ang Coke sa pamamagitan ng 10-4 run at makalapit sa 91-94 sa fallaway ni Cabagnot may 1:24 na lang ang nalalabi. (Sarie Nerine Francisco)
Alaska 100- Tenorio 20, Thoss 19, Miller 16, Hugnatan 15, Dela Cruz 10, Borboran 9, Devance 4, Sotto 3, Cariaso 2, Fonacier 2, Burtscher 0.
Coca-Cola 97 – Cabagnot 20, Bono 12, Gonzales 12, Rodriguez 11, Taulava 11, Ross 10, Rizada 7, Calimag 6, Cruz 4, Allera 2, Sanotos 2, Espino 0, Singson 0.
Quarters: 34-26, 59-54, 84-70, 100-97.
- Latest
- Trending