^

PSN Palaro

15 anyos na Pinay powerlifter bumuhat ng 3 ginto

-

MANILA, Philippines - Binigyan ni Patricia Llena ng pag-asa ang Philippine sports matapos komopo ng tatlong golds at isang bronze medal sa 2009 World Sub-Junior at Junior Powerlifting Championships sa Ribeirao Preto, Sao Paolo, Brazil sa kaagahan ng buwang ito.

Ang 15-gulang na si Llena ay bumuhat ng 420 kgs. Sa tatlong events para talunin si American Kendra Miller at three-time Russian world champion Talybova Yana para sa overall crown.

Nagdagdag pa si Llena ng dalawa pang gold medals sa pagbuhat ng 170 kg. sa squat class at 170 kg. sa deadlift category bilang kaisa-isang Filipino entry sa event na nilahukan ng mahigit 30 bansa.

Nag-uwi si Llena, pride ng San Antonio, Nueva Ecija, ng bronze medal sa bench press event sa pagbuhat ng 80 kgs.

Lalaban din si Llena sa 2010 Youth Olympics weightlifting competitions sa Singapore makaraang magtapos bilang 10th sa first World Youth Weightlifting Championship noong May sa Chang Mai, Thailand.

 Malaki ang pag-asa ni Llena na lalaban sa weightlifting at powerlifting events para sa bansa.

“Gusto ko po maging nutritionist and, at the same time, makabreak ng mga records,” wika ni Llena sa SCOOP forum sa Kamayan Restaurant-Padre Faura. (Mae Balbuena)

AMERICAN KENDRA MILLER

CHANG MAI

JUNIOR POWERLIFTING CHAMPIONSHIPS

KAMAYAN RESTAURANT-PADRE FAURA

LLENA

MAE BALBUENA

NUEVA ECIJA

PATRICIA LLENA

RIBEIRAO PRETO

SAN ANTONIO

SAO PAOLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with