RP vs Myanmar sa 15th Men's Senior Volleyfest
MANILA, Philippines - Bubuksan ng Philippines ang kanilang kampanya laban sa misteryosong Myanmar sa pagsisimula ng 15th Men’s Senior’s Volleyball championship sa Ninoy Aquino Stadium.
Walang alam tungkol sa team ng Myanmar, makikipagpaluan ang Pinoy spi-kers sa ganap na alas-7 ng gabi pagkatapos ng opening ceremonies bilang tampok na laro.
“We really don’t have any idea against them (Myanmar), but the boys are ready for any surprise,” wika ni coach Edgar Barroga, isa sa mga assistant coaches ni RP men’s head coach Sammy Acaylar. “I’m sure it would be an exciting first match.”
Sa iba pang laban, makikipagtipan ang Sri Lanka sa Hong Kong sa pambungad na laban sa alas-12 ng tanghali na susundan naman ng Maldives-Korea game sa alas-dos ng hapon at China kontra naman sa Vietnam sa alas-4 ng hapon.
Sa San Andres gym, haharapin naman ng defending champion Australia ang Lebanon sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng bakbakan ng Indonesia at India sa alas-2 ng hapon.
Ang RP men’s team ay binubuo nina 6’1 at nine-year veteran Dante Alinsunurin, 6’1 Reny John Balse, 6’1 libero Clarence Esteban, 6’5 middle blocker Sylvester Honrade, 6’3 Nino Jeruz, 5’9 setter Michael Cariño, 6’1 Edjet Mabbayad, 6’1 Jeffrey Malabanan, 6’0 Christian Fernandez, 5’9 Raffy Mosuela, 6’3 Chris Macasaet, Jessie Lopez, 6’2 Edcer Penetrante at 6’0 Mark Lee. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending