Bigat ni Cotto bentahe niya vs Pacquiao
MANILA, Philippines - Malaking bentahe kay Miguel Cotto laban kay Manny Pacquiao ang kanyang timbang pagdating ng kanilang laban sa Nov. 14 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Ayon sa trainer ni Cotto na si Joe Santiago, si Pacquiao ay isa lamang pinalobong featherweight.
“Manny Pacquiao is a bloated 126 pounds. He’s a fighter who started at 108 pounds and has reached 145. It is very bold and so far has gone well, but on November 14, it’ll be different,” sa pahayag ni Joe Santiago sa El Nuevo Dia, ayon sa badlefthook.com.
Sinabi ni Santiago na malaki ang respeto nila sa kakayahan ni Pacquiao ngunit kumpiyansa siyang higit na mas malakas si Cotto laban kay Pacman.
“We have great respect for his career and hats off to him for what he’s done in boxing, but on that day Miguel will be the stronger man in the ring. That will be one of the points in our favor.”
Ngunit may mga nagsasabing hindi sa timbang magkakatalunan sa laban nina Pacquiao at Cotto. Kung papaano kikilos sa ring ang dalawa ay ang higit na mahalaga sa pinakakaabangang labang ito.
Noong mga nagdaang linggo, ayon kay Pacquiao, nasa 151lbs ito, sobra ng anim na libra sa fight weight na 147 na ayon sa trainer ay madaling maabot ni Pacquiao na nagsimula na ng kanyang 8-week training sa Baguio City.
Nang lumaban si Cotto kay Joshua Clottey, 146lbs ang timbang nito kaya hindi magiging mahirap sa kanya na sumunod sa fight weight. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending