^

PSN Palaro

Bulilyaso ang Stags

-

MANILA, Philippines - Nabahiran ang imakuladang baraha ng San Sebastian College at napigil din ang sweep.

Sa pagtutulungan ng malakas na laro nina Smart Gilas veterans RJ Jazul at Rey Guevarra binigo ng Letran ang tangkang sweep ng Stags, 80-63 sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nagtala ng tig-27 puntos sina Jazul at Guevarra na nagbigay sa Knights, na inokupahan na ang No. 4 na puwesto, ang kanilang ika-12 panalo na nagbigay naman ng kauna-unahang kabiguan ng Stags matapos ang 15 sunod na pana-nalasa.

Malaking tulong sa Knights ang mala-moog na depensang inilatag na siyang pinakamatinding depensang ibinakod ng Letran para putulin ang posibleng 18-game sweep sa double-round elimination na magdadala sa Stags sa deretsong best-of-three finals.

At hindi na nangyari ito dahil pinigil ng Letran ang awtomatikong pag-entra nila sa finals na nagdikit din sa kanilang abante sa isang hakbang lamang sa reigning three-peat champion San Beda at losing finalist Jose Rizal na nagtabla sa 14-2 marka.

Haharapin ng Stags ang Bombers sa Lunes at Lions naman sa Oct. 7 para sa twice-to-beat bonus sakaling maipanalo nila ang dalawang nalalabing laro.

Sa inisyal na laban, nagtulong ang magkapatid na Giorgio at Isiah Ciriacruz nang igupo ng Arellano U ang Perpetual Help, 75-70.

Sa juniors, pinayuko ng Altalettes ang Junior Chiefs, 99-52, habang pinabagsak ng Squires ang reigning four-peat titlist na Staglets, 81-73. (Sarie Nerine Francisco)

ARELLANO U

ISIAH CIRIACRUZ

JAZUL

JOSE RIZAL

JUNIOR CHIEFS

LETRAN

PERPETUAL HELP

REY GUEVARRA

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with