Viloria kumpiyansa vs Calderon
MANILA, Philippines - Bunga na rin ng pagiging 34-anyos ni world Puerto Rican light flyweight champion Ivan "Iron Boy" Calderon, kumpiyansa si Brian "The Hawaiian Punch" Viloria sa kanyang panalo.
"I think Calderon has gotten slower by age. The last three fights getting cut and winning on technical decisions," ani Viloria kay Calderon. "I think it's a good time for me to fight him. That's what everyone has been saying."
Ang 28-anyos na si Viloria ang kasalukuyang light flyweight king sa International Boxing Federation (IBF), habang suot naman ni Calderon ang korona sa World Boxing Organization (WBO).
Matapos agawin ang IBF crown kay Mexican Ulises "Archie" Solis via 11th-round TKO noong Abril 19 sa Araneta Coliseum, matagumpay naman itong naidepensa ni Viloria kay Mexican Jesus "Azul" Iribe mula sa isang unanimous decision noong Agosto sa Hawaii.
Bago umakyat sa super flyweight division, ang unification fight kay Calderon at kay World Boxing Council (WBC) light flyweight titlist Edgar Sosa ang gustong maitakda ni Viloria, may 26-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 15 KOs.
Laban kay Calderon, nagdadala ng 33-0-1 (6 KOs) at dalawang beses nalusutan si Filipino Rodel Mayol, alam na ni Viloria ang kanyang gagawin.
"I need to be patient but for his style, I think pressuring him would probably do the job. I'd also have to not get tied up, work behind combinations and go to the head and body. The first two punches probably won't land but you'll hit him with the third and fourth," ani Viloria. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending