^

PSN Palaro

Alaska vs Coca-Cola sa PBA pre-season game

-

MANILA, Philippines - Magsisimula na ang pagsubok sa 10 koponan sa pagtatanghal ng pre-season games ng 35th Philippine Basketball Association ngayon na hatid ang nag-iisang laban sa pagitan ng Alaska Aces at pinalakas na Coca-Cola Tigers.

Ang laban ay nakatakda ngayong alas-6 ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Ipaparada ng Tigers ang mga bagong kuha na sina Ken Bono, Larry Rodriguez, Marvin Cruz, Norman Gonzales at Jojo Duncil sa laro na tatampukan ng baptism of fire ng Fil-Am guard na si Chris Ross, ang No. 3 overall pick sa nakaraang Rookie Draft.

Magmamarka din ito ng una sa loob ng 14 na taon ni Dennis Espino na suot niya ang bagong uniporme matapos siyang i-trade ng Sta. Lucia Realty, ang unang team niya.

Masasandalan pa rin ang mga datihang sina Asi Taulava, Alex Cabagnot, Ricky Calimag, Cesar Catli at Mark Macapagal. Wala na sina Mark Telan, Ronjay Buenafe, Nic Belasco at Aries Dimaunahan.

Masusubukan ang bagong anyong Tigers ng Aces na solidong babanderahan pa rin nina two-time MVP Willie Miller, L.A. Tenorio, Joe DeVance, Tony dela Cruz at center Sonny Thoss katulong sina Reynel Hugnatan, John Ferriols, Larry Fonacier, Mark Borboran at walang kupas na si Jeff Cariaso.

Ang Aces ay sasamahan din ng dalawang rookies na kinuha sa Draft--sina Sean Co at Michael Burtscher.

ALASKA ACES

ALEX CABAGNOT

ANG ACES

ARIES DIMAUNAHAN

ASI TAULAVA

CESAR CATLI

CHRIS ROSS

COCA-COLA TIGERS

CUNETA ASTRODOME

DENNIS ESPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with