MANILA, Philippines - Walong bansa kabilang ang host Philippines ang lalahok sa 2009 FIM Asian Supercross Championships sa darating na weekend sa SM City Bicutan, Parañaque.
Mahigpit na kalaban ng mga Filipino riders para sa karangalan sa 13 iba’t ibang categories ang mga entries mula sa Australia, Russia, Indonesia, Japan, Thailand at Iran.
Mangunguna sa RP team sa two-day meet sa Sept. 25-26 sa alas-6 hanggang alas-10 ng gabi sina Kenneth San Andres at JC Rellosa.
“Ito na po ang pinaka-malaking karera sa bansa ngayong taon,” ani Macky Carapiet, president ng National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA), sa PSA Forum kahapon.
Ang karerang sanctioned ng NAMSSA, UAM at FIM, ay magkakaroon ng kompetisyon sa 65cc level para sa 9-12 years old, 85 cc junior riders para sa 12-15 years old, MX 2 Pro, at 10 pang ibang national categories.
Ang Asian Motocross Tour ay bumisita kamakailan lamang sa Puerto Princesa City at Ulaanbaatar sa Mongolia.
Para sa susunod na round, gaganapin ito sa Riyadh, Saudi Arabi at sinabi ni Carapiet sa session na sponsored ng PACGOR, Accel, Shakey’s at Outlast Battery na magkakaroon ng Asian Motocross Academy sa Linggo na pangangasiwaan ng mga foreign instructors sa naturang circuit para sa pag-unlad ng Asian motocross riders. (Mae Balbuena)