Kakatawanin ang bansa sa Bowling World Cup: Nepomuceno, Del Rosario bibiyahe sa Malaysia
MANILA, Philippines - Wala pa ring kupas si Paeng Nepomuceno nang pakitaan niya ang mas batang karibal noong Biyernes ng gabi at mapagwagian ang Bowling World Cup national title at makuha ang ika-16th na biyahe patungo sa international finals sa Melaka, Malaysia.
“I’m very happy. I’d do everything to put our country back on top of the bowling world,” anang 52 anyos na si Nepomuceno makaraang igupo si Benshir Layoso, 2-0 sa men’s finals sa Paeng’s Eastwood Bowl sa Libis, Quezon City.
Hawak ni Nepomuceno ang pagkilala bilang natataning four-time winner ng prestihiyosong World Cup, napaganda ang Guinness Book at World Career wins na 118 na kanyang tinamo may dalawang taon na ang nakakaraan sa South Pacific ?Classic sa Australia.
Isa pang beteranong internationalist ang nakakuha din ng tiket sa Melaka, Malaysia at ito ay si Liza Del Rosario sa panig naman ng kababaihan.
Pinagulong ni Del Rosario ang kapwa niya national bowler na si Krizziah Tabora, 2-0 matapos talunin ni Tabora si Jaymee Bautista, 2-1.
Ito ang ikaapat na biyahe ni Del Rosario sa BWC.
- Latest
- Trending