Arellano binigo ng Mapua; Letran pasok sa F4

MANILA, Philippines - Naging pangunahing sandigan ang mahusay na shooting, naitaboy ng Mapua ang Arellano U, 74-59, kahapon para biguin ang pangarap ng Chiefs sa Final Four sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament.

Sa pangunguna ni TG Guillermo, kumonekta ito ng 16 points habang nag-ambag rin sina Mark Sarangay, Allan Mangahas at Erwin Cornejo ng 12, 12, 10, ayon sa pagkakasunod, upang iselyo ang ikatlong panalo at wakasan ang pangarap ng Chiefs na makapasok sa susunod na round.

Dahil sa pagkabigo ng Arellano, tuluyan nang naikasa ang mga koponan na kumumpleto sa Final Four na kinabibilangan ng San Sebastian (14-0), reigning three-peat titlist San Beda (13-2) at last year’s runner up na Jose Rizal (13-2) at Letran (11-5).

Sa ikalawang seniors game dinaig ng College of St. Benilde ang Angeles University Foundation, 74-61.

Samantala, para sa aksyon sa juniors, pinayuko ng Mapua ang Arellano U, 73-54 habang ginupo rin ng St. Benilde ang Angeles U Foundation, 97-26 para iuwi ang ikalimang panalo sa liga. (Sarie Nerine Francisco)

 

Show comments