MANILA, Philippines - Malalaman ang kakata-wan ng bansa sa 45th Bowling World Cup international finals sa pagsasagupa ng 16 aspirants- walong lalaki at walong babae- sa quarterfinals ngayon sa Paeng’s Eastwood Bowl.
Pinangungunahan nina national bowlers Benshir Layoso at Liza del Rosario ang magagaling na players na kinabibilangan ni four-time World Cup Champion Paeng Nepomuceno.
Nagpamalas ng mahusay na paglalaro si Layoso sa hu-ling limang laro ng kanyang 12-games noong Miyerkules para sa 5,114 pinfalls sa 24-games at lampas na si World Cup titlist Paolo Valdez (5,110) at Nepomuceno (5,098) sa men’s division.
Maliban sa low game na 164, maganda ang inilaro ni Del Rosario na may 4,113 sa 20-games at naungusan nito ang kasama sa RP Team na si Krizziah Tabora (3,993)at first day leader Jayme Bautista (3,945) sa ladies division.
Nasa kontensyon pa rin sina Rachelle Leon (3,619), Bettina Bayani (3,608), Letty Pineda (3,566), Alice Cabazador (3,536)at Janet Abril (3,480) sa ladies division, Louie Chuaquico (5,091), Tyrone Ongpauco (4,961), Jong Enriquez (4,943), Carlo Mansilungan (4,938) at Raoul Miranda (4,923).
Matapos idagdag ang iskor sa huling walong games na lalaruin, ang top-three sa bawat divisions ang uusad sa best-of-three knockout matches sa semifinals at finals.
Ang mga champion, kung sila ay passport holders ang kakatawan ng bansa sa international finals sa November 14-21 sa Melaka, Malaysia.