Barroca hindi pa siguradong lalaro vs UE sa Final Four
MANILA, Philippines - Nakabitin pa rin sa ere, nanganganib na baka hindi makalaro, nakadepende ang kapalaran ni Mark Barroca sa magiging desisyon ng FEU.
Nakabinbin ang kahihinatnan dahil sa bali-balitang pagbenta nito ng laro sa tapatang Ateneo-FEU kamakailan, pinangangamba-hang hindi makalaro si Barroca sa engkwentro nito laban sa UE bukas para sa Final Four.
Bagamat tahimik pa rin tungkol sa isyu, nagiging palaisipan ang naturang balita sa FEU.
“No comment for now, the situation is fluid,” pahayag ni league president Anton Montinola ng host FEU.
Naging maugong rin ang balitang napatalsik na sa campus si Barroca na pinabulaanan naman ng ilan.
“Barroca is still in the campus. The fact that he (Barroca) is still in the campus reinforces the possibility that he might still play in the Final Four though slim,” anang isang source.
Dahil wala pang kumpirmasyon, nananatiling tikom ang bibig ni Montinola para maprotektahan si Barroca. “Very sensitive, I want to protect him,” anito patungkol sa Smart Gilas player. “I want to (talk about it), but not now, very sad story for the FEU Tamaraws.” (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending