Arellano naghahanap ng liwanag
MANILA, Philippines - Naghahanap ng liwanag, huhukayin ng Arellano U ang natitirang pag-asa para makasali sa Final Four sa pamamagitan ng pagdurog nito sa napatalsik na Mapua sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Tangan ang 7-7 rekord, ipupwersa ng Chiefs ang panalo sa huling apat na laro para itakda ang mas magandang posisyon sa torneo.
Bukod pa dito, kaila-ngan nilang ipanalangin na malaglag ang Letran Knights sa dalawang sunod pa nitong asignatura na magbibigay daan sa muling pagtatagpo ng landas ng Arellano at Letran na mag-aagawan sa huling silya sa semis sa knock out duel.
Ngunit bago ang lahat, dapat mapayuko ng Chiefs ang Cardinals.
“We still have a chance and the players know it, but we need to take it one game at a time,” wika ni Arellano U coach Junjie Ablan.
Babasagin ang sunod-sunod na kamalasang tinamo sa Letran, Jose Rizal at San Beda Red Lions, baba-ngon ang Chiefs para maputol ang sumpa sa Chiefs.
Binigyan ng pagkakataon, gigisahin ng Chiefs ang Cardinals sa pakikipagsagupa nito sa ganap na alas-2 ng hapon ngayong araw na susundan ng pakikipagbakbakan sa San Sebastian sa Lunes, Perpetual Help Altas sa susunod na Linggo at Emilio Aguinaldo sa Oct. 2.
Samantala, matutunghayan ang bakbakan sa pagitan ng St. Benilde (4-10) at Angeles U (1-13) sa pang-alas-kwatro ng hapon na laban. (SNFrancisco)
- Latest
- Trending