^

PSN Palaro

November 14, hindi araw ng 'picnic' kay Pacquiao

- Abac Cordero -

SAN DIEGO - Alam na alam ni Bob Arum na ang November 14 ay hindi picnic para kay Manny Pacquiao.

Sa katunayan, inaasahan ng big boss ng Top Rank ang mahigpit na laban para sa ipinagmamalaki ng Philippines na nakatakdang hamunin si Miguel Cotto ng Puerto Rico para sa WBO welterweight crown sa MGM Grand sa Las Vegas.

At sa mabilisang tingin ang laban ay pabor kay Pacquiao na may +250 (kailangang tumaya ka ng $250 para magwagi ng $100) at Cotto sa -250, para manalo ng record na sevent world title sa iba’t ibang weight class.

Pero sinabi ni Arum na hindi madali ito.

“One thing is for sure. If Manny wins it’s not gonna be easy. It will be tough,” ani Arum kahapon na naka upo sa harap ng Suburban na nagdala sa kanya sa tatlong oras na biyahe mula Los Angeles hanggang Petco ballpark sa San Diego.

Kasama ng maalamat na promoter sa biyahe patungo sa tahanan ng Padres, kung saan si Pacquiao ang naghagis ng ceremonial pitch sa laro laban sa Arizona Diamondbacks, sina Lee Samuel at Bill Caplan.

“Believe me, this will be the toughest fight of his life,” wika naman ni Freddie Roach, trainer ni Pacquiao sa media sa ‘Firepower’ press tour na nagdala kina Pacquiao at Cotto sa limang lungsod sa Amerika sa nakaraang anim na araw.

Nagtapos ang tour kamakalawa sa Beverly Hills Hotel sa Los Angeles.

Bumalik na si Cotto sa Puerto Rico at maghahanda na sa matinding ensayo ang kampo sa Tampa, Florida.

Sa kabilang dako naman, si Pacquiao ay naiwan at kailangang magbiyahe sa San Diego nang tanghali sa para makarating sa Petco Park. Ito ang ikatlong baseball stadium na pinuntahan niya matapos ang Yankee Stadium at AT&T sa San Francisco.

Sinabi rin ni Arum na kapag nalusutan ni Pacquiao si Cotto, na bagamat mahirap gawin, babalik sa ring ang reigning pound-for-pound champion sa Marso 15 para sa masuwerteng mapipili niyang kalaban.

Si Pacquiao ay tatakbo bilang congressman sa Saranggani province sa May 2010 election at ang laban sa Marso ay tama lamang sa kanyang kalendaryo.

“He can fight on March 15, and that gives him enough time to go out and campaign,” said Arum.

Kabilang sa napipisil na susunod na makakalaban ni Pacquiao ay si Floyd Mayweather Jr, ang undefeated ex-pound-for-pound champion na makakalaban ni Juan Manuel Marquez sa Sabado (Linggo sa Manila), Julio Cesar Chavez Jr., Shane Mosley o Edwin Valero.

“Kapag nanalo kami pareho ni Mayweather, kami na yan (If me and Mayweather prevail, then it should be us),” ani Pacquiao. “Nag-uusap na. Basta. Nag-uusap na (Talks are on).”

ARIZONA DIAMONDBACKS

BEVERLY HILLS HOTEL

BILL CAPLAN

BOB ARUM

COTTO

EDWIN VALERO

LOS ANGELES

PACQUIAO

PUERTO RICO

SAN DIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with