National bowlers umarangkada
MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan tumapos ng 1-2-3 sina national bowlers Benshir Layoso, Tyrone Ongpauco at Paolo Valdez sa panimula ng Bowling World Cup national men’s finals sa Coronado lanes.
Tumira ng 12 game series na 2,632 pinfalls si Layoso, 2,616 si Ongpauco at 2,567 naman si Valdez upang pamunuan ang 31 pang finalist patungo sa ikalawang round ng torneo na inorganisa ng Puyat Sports at co-sponsored ng Amway-Nutrilite.
Bitbit ang iskor, ang nalalabing aspirante para sa national crown at karapatang kumatawan sa 45th BWC international finals sa Melaka, Malaysia, ay magrorolyo ng karagdagang 12 games sa SM Mall of Asia ngayon na ang top 8 ang aabante sa Paeng’s Eastwood Bowl sa Biyernes.
Nasa kontensiyon pa rin si Paeng Nepomuceno, nagwagi ng apat na World Cup titles, sa iskor na 2,502 at nasa ikapitong puwesto.
Pumasok namang ikaapat si Louie Chuachico, 2,546, national bowler Raoul Miranda sa ikalima 2,509 at ikaanim si Carlo Mansilungan 2,502.
- Latest
- Trending