Porma ni Cotto ikinagulat ni Ariza
BEVERLY HILLS - Nagustuhan ni conditioning coach Alex Ariza ang kanyang nakita sa loob ng Be-verly Hills Hotel kahapon.
Hindi ang eleganteng “Pink Palace’ (kung saan kilala ang nasabing hotel na ginawa noong 1912) at hindi rin ang listahan ng mga celebrities na nagtungo at nanirahan na tulad nina Charlie Chaplin, Rudolph Valentino, Marilyn Monroe, John Wayne o John F. Kennedy, o maging mga naggagandahang babaeng naglalakad doon.
Ang pumukaw sa pansin ni Ariza ay ang matikas na porma ni Miguel Cotto sa huling araw ng press tour na nagdala sa Puerto Rican champion at kay Manny Pacquiao, ang reigning pound-for-pound king mula sa Philippines, sa New York, Puerto Rico at San Francisco at LA sa loob ng limang araw.
“Did you see him out there? He must be weighting 160 pounds,” wika ni Ariza na dumating na nangako kay Pacquiao na mapapabigat niya si Pacquiao at idinagdag na higit na mapapalakas na hindi mawawala ang bilis. Ipinakita niya sa Pinoy icon ang special program ng plyometrics.
At naging matagumpay sila dito sa pamamagitan ng mga knockout wins kina David Diaz, Oscar dela Hoya at Ricky Hatton.
Malakas ang kutob ni Ariza na mahihirapan ang Puerto Rican na may malapad na katawan sa timbang na 159 lbs, na makaabot sa 145 lbs na weight limit. Si Pacquiao at lagpas lang ng konti sa 150 lbs at sa loob ng dalawang buwan ang tiyak na makukuha ang weight limit.
“He (Cotto) must be 160 pounds and we’re fighting at 145 with only two months left. He’s got a lot more work to do than us. We also have work to do but Cotto has got to lose a lot of weight,” ani Ariza, na umaasam na sa timbang na 145 lbs, mas magiging matalas, mabilis at malakas si Pacquiao tuad ng mga nakalipas niyang laban.
Sinabi ni Cotto na plano niyang umakyat sa ring sa timbang na 160 lbs.
“He weighed in at 142 for the Oscar dela Hoya fight (which was fought at 147 lb) and climbed the ring at 148 1/2. Now if we can put him in that shape I don’t see anyone who will be able to take his punches. He really looked exceptionally well at 142,” wika ni Ariza, na magtutungo din sa Baguio City para sa training.
Balewala kay Ariza kung nauna nang magsanay si Cotto. Ang Puerto Rican ay nakakaapat na linggo na sa kanyang pagsasanay habang si Pacquiao ay magsisimula pa lang sa Setyembre 21 sa Baguio City.
Sinabi ni Ariza na hindi pruweba ang walong linggong pagsasanay.
“Believe me, once he’s in training nothing can disrupt him. And once he’s ready, he’d climb the gate just to fight,” aniya.
- Latest
- Trending