^

PSN Palaro

No. 14 inilista ng Stags

-

MANILA, Philippines - Pinoste ang pinakamahabang winning rekord sa liga, katabla ng San Beda Red Lions, kinuha ng nangungunang San Sebastian ang 14 sunod na panalo nang gapiin ang St. Benilde sa pamamagitan ng 94-61 panalo kahapon sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Kumonekta ng 25 points, 9 rebounds, 3 assists at steal nagpasikat si Jimbo Aquino para mapalakas ang boto para sa MVP award habang naglista naman ng 16, 12 at 12 points sina rookie Ian Sangalang, Ronald Pascual at Calvin Abueva ayon sa pagkakasunod upang isulong ang sunud-sunod na pananaig. 

Dalawang panalo na lang at makakamtan na ng Baste ang twice-to-beat bonus at kapag nakubra pa nito ang apat na panalo kontra Arellano (Sept. 21), Letran (Sept. 25), Jose Rizal (Sept. 28) at San Beda (Oct. 7), ang kukumpleto sa makasaysayang elimination round sweep na gigiya sa direksyon patungong best of three finale ng liga.

Samantala, para sa aksiyon sa juniors, tumipa ng 20 points at 10 rebounds si Gino Juamo para tulungan ang four peat titlist na San Sebastian na paluhurin ang CSB, 71-66 at humanay sa Letran at San Beda na nakasiguro na ng pwesto sa Final Four, habang pinataob naman ng EAC ang AUF, 74-53 upang iselyo ang ikatlo nitong panalo sa loob ng 15 asignatura.

Sa isa pang seniors game, ginapi ng Emilio Aguinaldo College ang Angeles University Foundation, 87-73.  (SNFrancisco)

vuukle comment

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

CALVIN ABUEVA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

GINO JUAMO

IAN SANGALANG

JIMBO AQUINO

JOSE RIZAL

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with