^

PSN Palaro

Nietes, Gorres balik Pinas

-

MANILA, Philippines - Matapos ang mata-gumpay na kampanya sa Mexico, nakatakdang bumalik sa Pilipinas bukas sina world minimumweight champion Donnie “Ahas” Nietes at bantamweight Z “The Dream” Gorres mula sa United States.

Dumating na kahapon sina Nietes at Gorres sa Los Angeles, California mula sa kanilang panalo sa kani-kanilang Mexican rivals noong Linggo sa 4,000-capacity na El Palenque de la Feria sa Nayarit, Mexico.

Tinalo ni Nietes si Mexican challenger Manuel “Chango” Vargas via split decision para patuloy na isuot ang kanyang World Boxing Organization (WBO) minimumweight crown.

“Nagpapasalamat kami sa mga Filipino na nagdasal para manalo kami,” wika ng 27-anyos na si Nietes, nakahugot ng 116-110 at 118-110 puntos mula sa dalawang judges kontra sa 116-112 ni Vargas.

Nasa isang 12-fight winning streak ngayon si Nietes, nauna nang tinalo sina Nicaraguan Eddy Castro (second-round KO) noong Agosto 30, 2008 sa Cebu City at si Mexican Erik Ramirez (unanimous decision) noong Pebrero 28 sa Oaxaca, Mexico.

Samantala, si Ana “The Hurricane” Julaton naman ang naging tanging Filipina world champion nang talunin si Kelsey “The Road Warrior” Jeffries via 10 round majority decision para angkinin ang International Boxing Association (IBA) super bantamweight title.

Viloria target ni Calderon

Samantala, kung may laban mang tinitingnan si Puerto Rican world light flyweight titlist Ivan “Iron Boy” Calderon, ito ay ang kanilang muling pagtatagpo ni Filipino world champion Brian “The Hawaiian Punch” Viloria.

Inaasahan ng 34-anyos na si Calderon na maita-takda ang kanilang pagkikita ng 28-anyos na si Viloria matapos niyang itakas ang isang split technical decision kay Filipino challenger Rodel Mayol noong Linggo sa Coliseo Jose Miguel Agrelot sa Puerto Rico.

“It’s no secret that the biggest fight for me is with Brian Viloria,” wika ni Calderon, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) light flyweight king, sa International Boxing Federation (IBF) ruler na si Viloria.

Bago pa man umakyat sa professional ranks ay tinalo na ni Viloria si Calderon sa World Boxing Championships noong 2000 bilang mga amateur fighters. (Russell Cadayona)

BRIAN VILORIA

CEBU CITY

COLISEO JOSE MIGUEL AGRELOT

EL PALENQUE

GORRES

NIETES

VILORIA

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with