Mayol talo

MANILA, Philippines - Muling naulit ang kinatatakutan ni Rodel Mayol na mangyari.

Mula muli sa isang headbutt sa seventh round, isang split technical decision ang naitakas ni Puerto Rican Ivan "Iron Boy" Calderon laban kay Mayol para mapanatiling isuot ang kanyang World Boxing Organization (WBO) light flyweight crown kahapon sa Coliseo Jose Miguel Agrelot sa Puerto Rico.

Sa pagtigil sa laban sa round seven dahilan sa kanilang pag-uumpugan ng ulo, nakakuha si Calderon ng 68-65 puntos mula sa dalawang judges, habang 68-65 ang nakolekta ni Mayol galing sa ikatlong judge.

Sa kanilang unang pag-haharap noong Hunyo 13 sa Madison Square Garden sa New York City, isang draw ang nailusot ng 34-anyos na si Calderon laban sa 27-anyos na si Mayol bunga rin ng headbutt sa round six.

"I want people to understand that Mayol is a much different fighter than Hugo Cazares," ani Calderon kay Mayol na hindi siya tinantanan ng suntok mula sa opening bell hanggang pigilin ang laban sa round seven. (Russell Cadayona)

Show comments